Angelica Panganiban, nasaway ng pulis sa Italy

5349
IG/iamangelicap

Nauwi sa trobol ang kagustuhan ng aktres na si Angelica Panganiban na makakuha ng magagandang retrato mula sa bakasyon niya sa Rome, Italy.

Sa Instagram kahapon, Oktubre 29, ibinahagi ng Kapamilya actress ang kuha na nakaupo siya sa Spanish Steps sa Palazzo Di Bolgna.

Walang kamalay-malay si Panganiban na bawal umupo sa naturang sikat na tourist spot, kaya naman napagsabihan daw siya ng pulis.

INNITY ADS

Sabi niya sa caption, “For almost 28 years, [I] have been [in front] of the audience. Naramdaman ko [paano] mahusgahan. Paano panoorin ang bawat galaw mo. Paano [magsalita], lumaban, para sa sarili mo. Sa [pag-upo] ko sa spanish steps… nahusgahan ako… bawal pala umupo [rito]. Sorry na po mga pulis.”




Ngayong taon lang nang magpatupad ng mga bagong panuntunan sa Rome na naglimita sa ilang gawain sa lugar.

Tulad na lamang ng pag-upo sa Spanish Steps na may multang umaabot sa €400 o higit P20,000.

Kadalasan naman ay binabalaan lang ng pulisya ang mga turista imbis na patawan agad ng multa.