
Natangayan ang aktres na si Angelica Panganiban ng halos P500,000 sa kaniyang credit card nang hindi man lang nalalaman.
Ibinunyag niya ito sa kaniyang Twitter post nitong Huwebes, Agosto 8.
Ayon kay Panganiban, isang kawatan mula sa Pampanga ang iligal na gumagamit ng credit card nito.
May gumagamit ng credit card ko sa pampangga. Malapit na siya umabot sa 500k. Walang magawa mga tao. Bat d kyo mag ipon para sa sarili niyo? Bat kayo magnanakaw?
— Angelica Panganiban (@angelica_114) August 8, 2019
“Malapit na siya umabot sa 500k. Walang magawa mga tao,” sambit ng Kapamilya star.
Giit ni Panganiban, bakit hindi na lang mag-ipon ang mga taong sangkot sa halip na magnakaw at manloko ng ibang tao.
Samu’t-saring payo naman ang ibinigay ng netizens sa batikang aktres para agad masolusyonan ang problemang kinahaharap.
Propably ung transaction nian thru online and buying some stuff thru that kase if its in person theyre gonna ask your id that they can rely the signature that you were giving to them sa online wala kase eh…
— alexandrei lachica (@drei00028) August 8, 2019
Informed you bank right away. Change your card and the next issued card cover niyo na po ang CVV always, actually these applies to all cards either debit or credit card.
— Mayo Jam (@iamMyonnie) August 8, 2019
File ka ng rebut,nahahabol pa yan tapos change card number ka na.pag me bago ka na ,yun cvv code burahin mo ,record mo na lang sa phone mo
— jimboy (@imback7447) August 8, 2019
Isa lamang si Panganiban sa libu-libong taong nabiktima ng credit card scam sa Pilipinas.
Paalala ng mga eksperto, ireklamo sa kinauukulan kapag may napansin na kahina-hinalang transaksyon na lumalabas sa gamit na credit or ATM card.