Angelica Panganiban, aminadong umaasa pa rin magkaroon ng sariling pamilya

306
PHOTO: Angelica Panganiban / Instagram

Kahit na masaya sa pagiging single sa ngayon, nangangarap pa rin daw si Angelica Panganiban na bumuo ng sarili niyang pamilya.

Inamin ito ng aktres sa question-and-answer na ginawa nila ng kanyang followers sa Twitter noong Martes ng gabi.

Isang netizen (@yuRi_ka12) ang nagtanong kay Panganiban ng tungkol sa pag-aasawa, ngayong karamihan daw ng kasabayan niya sa showbiz ay may kanya-kanya ng pamilya.

INNITY ADS

“Pero I know happy ka and successful. Just want to know if sumasagi sa isip mo ‘yun,” pahabol ng netizen.

Sagot ng aktres dito, “Always. Gusto ko ng family. Kids. Pero hindi sa lahat binibigay ‘yun. Okay naman ako.”




Hindi ito ang unang beses na nagpahayag si Panganiban ng kagustuhang magkaroon na ng pamilya.

Noong Enero nakaraang taon, matatandaang nag-tweet siya na gusto niya na mag-asawa bago matapos ang 2019.

Huling na-link ang aktres sa dati niyang nobyong si Carlo Aquino.

Nagsama pa sila noong 2018 sa pelikulang “Exes Baggage”, ngunit nilinaw ng dalawa nakaraang taon lang, na hindi na sila nag-uusap pa.