Angel Locsin, inalala muli ang kaarawan ng ex-BF na si Miko Sotto

1189

Muling inalala ni Angel Locsin ang kaarawan ng yumaong nobyo at Kapuso matinee idol na si Miko Sotto.

Sa kaniyang Instagram story nitong Linggo, ibinahagi ng Kapamilya actress ang pagbati at pagbisita sa puntod ng dating boyfriend.

Pumanaw ang aktor sa edad na 21 matapos mahulog sa ika-siyam na palapag ng isang high-rise condominium sa Mandaluyong City noong Disyembre 29, 2003.

INNITY ADS

Batay sa ulat, pababa na sana sa inuupang veranda si Miko o Marcelino Sotto sa totoong buhay, nang aksidenteng sumabit ang paa niya sa isang plant box, dahilan para mawalan ito ng balanse at malaglag.

Nagtamo ng pinsala sa ulo, leeg, at iba’t-ibang parte ng katawan ang anak na radio commentator na si Ali Sotto.




Mula nang mamatay si Miko, hindi nakakalimutan ni Angel na alalahanin siya tuwing sumasapit ang araw ng kapanganak nito kada taon.

Anim na buwang magkarelasyon noon ang dalawa nang maganap ang kalunos-lunos na insidente.

Ikakasal na ngayon si Angel sa boyfriend na film producer na si Neil Arce.