Andrea Brillantes nagpadala ng PPE, care kits sa frontliners ng PGH

1807
Instagram/@blythe

Dumagdag na si Andrea Brillantes sa humahabang listahan ng celebrities na tumutulong sa medical frontliners sa paglaban sa COVID-19.

Sa Instagram nitong Lunes, ibinalita ng teen actress ang pagpapadala niya ng personal protective equipment (PPE) sa health workers ng Philippine General Hospital.

Bukod sa PPE, nagsama rin si Brillantes ng care kits na galing sa isang local beauty brand.

INNITY ADS

Nagpahayag din siya ng pasasalamat sa frontliners sa parehong post.

“Thank you to all frontliners out there who continue to fight for all of us in this pandemic,” anang “Kadenang Ginto” star.




Ilang celebrities na rin ang tumugon sa kakulangan ng PPE sa mga ospital, tulad ni KC Concepcion na nagpadala noong nakaraang linggo sa ospital sa Las Piñas at Quezon City.

Lumilikom na rin ng donasyon ang real-life couple na sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia para makabili ng PPE at pagkain na ibibigay sa napili nilang ospital sa Parañaque at Pasay City.