Andi Eigenmann, Philmar Alipayo idinaan sa sweet messages ang kanilang anniversary

128
(Andi Eigenmann Instagram)

Palitan ng sweet messages sa social media ang ginawa ng Island couple na sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo bilang marka ng kanilang ika-1 anibersaryo.

Sa Instagram ay ibinahagi ni Andi ang isang larawan habang nakapasan siya sa kanyang nobyo.

“I made the best decision to choose happiness above all else,” aniya.

Ayon kay Andi, malaki ang kanyang pasasalamat sa pagdating ni Philmar sa kanyang buhay at ng kanyang mga anak.




Dagdag niya, “Thank you for always making me feel like I am on top of the world. Happy anniversary my mahal!🌸”

Sa kabilang banda ay isa ring retrato ang ipinost naman ni Philmar sa kanyang Instagram.

View this post on Instagram

Happy anniversary mahal ko. Mahalun ko kaw sanan ato little fam hangtod sa hangtod 🖤

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz) on

Saad nito, “Happy anniversary mahal ko. Mahalun ko kaw sanan ato little fam hangtod sa hangtod.”

Ang magkasintahan ay naninirahan ngayon sa Siargao island kasama ng kanilang anak na si Lilo.