Anak ni Vic Sotto na si Paulina, buntis na

808
Paulina Sotto-Llanes. Instagram/@paulinavls

Nagbunga na ang pagsasama ni Paulina Sotto, anak ni Vic Sotto kay Angela Luz, at asawa niyang si Jed Llanes.

Inanunsyo ito ni Paulina sa Instagram nitong Martes, kasama ang litrato niyang nakabihis ng two-piece at hawak ang kanyang baby bump.

“Happy to announce that with Jed’s help, I am in the process of growing a tiny human!” saad niya sa caption.

INNITY ADS

Ito ang unang anak ng mag-asawang ikinasal noong Enero 2017.




Ni-repost naman ng nanay ni Paulina ang parehong litrato para ipahayag ang pagkasabik niya sa paparating na apo.

“Reposting this picture just because I am already deeply, madly in love with my baby who is inside Paulina’s tummy,” ani dating aktres.

“Yes I call him MY baby because I am even more excited now than when I had my own actual baby,” dagdag ni Angela na nangakong magiging “the best and coolest Lola in the world”.