
Nakipagtulungan si Alex Gonzaga sa ilang volunteers upang mamigay ng relief goods sa mga pamilyang apektado ng enhanced community quarantine sa Taytay, Rizal.
Sinimulan ng aktres ang pamamahagi sa mga kabahayan sa Barangay Sta. Ana noong Lunes, Marso 23, base sa kanyang Facebook post.
Katuwang nila ang barangay kagawad na si Tobit Cruz na siyang humakot ng mga na-repack na relief goods.
Humingi naman ng paumanhin ang aktres sa mga hindi aabutin ng pack na naglalaman ng tinapay, gatas, dalawang de-lata, tubig, alcohol, at face mask.
βSana makatulong ito kahit paano sa mga mabibigyan,” mensahe niya sa Twitter.
Thank you to the people risking their own health to help us distribute our small relief goods for our kababayans. Sana makatulong ito kahit paano sa mga mabibigyan ππΌ pic.twitter.com/WSfmNI0zkP
— Alex Gonzaga (@Mscathygonzaga) March 23, 2020
Sa naunang Instagram post noong Marso 21, pinasalamatan na agad ni Gonzaga ang kanyang fans at volunteers sa Taytay na tumulong sa repacking.
“Thank you sa Team Gonzaga Taytay Chapter for helping us repack! Day 1 palang! Kahit hindi nila kasama family nila pamilya parin naman kami dito sa bahay at ang reyna namin ay si Pinty!” biro niya.
Makikita rin sa isa pang post ang pagtulong ng kanyang mommy Pinty at daddy Bonoy sa pagre-repack ng supplies.