Alessandra De Rossi sa ‘di pagsali sa ABS-CBN rally: ‘Hindi ako takot lumaban, pero takot ako sa COVID’

662
IG/@msderossi

Dinipensahan ni Alessandra De Rossi ang hindi pagdalo sa mga rally laban sa desisyon ng gobyerno na pagkaitan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN.

Sa Twitter nitong mga nakaraang araw, sinabi ng aktres na pinili niyang manatili na lang sa bahay bilang pag-iingat sa COVID-19.

“May COVID. Maawa ka. Tsaka di ako okay (mentally) pag maraming tao. Birthday party nga, di ako umaattend, rally pa?” sagot ni De Rossi sa follower na nagtanong kung bakit “puro dasal” lang siya sa social media.

INNITY ADS

Pinunto rin ng aktres ang problema sa isyu, na aniya, “At this point, pag lumaban ka, mayabang ka. Pag nanahimik ka, wala kang paki. Pag pray ka nalang, inasa mo kay Lord. ‘Yung totoo?”

Sinagot niya rin ang isang netizen na binanatan siya ng paniniwalang “silence favors the oppressor.”




Aniya, “’Di porket mas matapang ang isa ay takot ang isa. Baka iba kinatatakutan niya. Ako sure na, covid first, tapusin ko lang ‘to at baka ito tumapos sakin.”

Sa huli, pinanindigan ng aktres na, “I respect everyone who fights, I respect everyone who shuts up, for now… till may COVID. And I will end it with the same statement, hindi ako takot lumaban. Pero takot ako sa nanay ko at sa COVID. Peace!”