Alessandra De Rossi, ibinibenta ang sasakyan habang ‘di pa bumabalik sa trabaho

317
IG/@msderossi

Pinanindigan ni Alessandra De Rossi ang pananatili sa bahay habang may COVID-19 pandemic.

Dahil hindi pa rin tumatanggap ng trabaho sa takot na madali ng virus, nabanggit ng aktres na puro palabas din ang pera mula sa kanyang bulsa.

“Nung sinabing ‘stay at home’, tinotoo ko siya. And of course, sa stay at home na ‘yon wala kang financial na papasok, it’s all palabas,” sabi ni De Rossi sa panayam ng GMA News.

“Lahat ng projects tinatanggihan ko rin,” dagdag niya, kahit daw miss na miss niya na rin ang magtrabaho.

Ngunit dahil hindi naman mawawala ang mga bayarin kahit may pandemya, ibinunyag ni De Rossi na binibenta niya na ang isa niyang sasakyan.




“Dalawa ‘yung sasakyan ko. Binili ko lang ‘yung isa pangrelyebo sa coding, dahil nga kapag coding hindi ako lumalabas, natatakot akong mahuli ng MMDA,” saad niya.

Noong nakaraang buwan nang sunud-sunod na mag-post sa Twitter ang aktres tungkol sa desisyon niyang manatili sa bahay sa takot sa virus at pati na rin sa kanyang nanay.