Aktor na si Marco Gallo, personal na inihahatid sa customers ang ibinebentang Oreo cakes

164
(Marco Gallo Instagram)

Hindi lang basta nagbebenta kundi personal pang inihahatid sa mga customer ng Kapamilya actor Marco Gallo ang kanyang sariling gawang Oreo icebox cakes habang umiiral pa rin ang quarantine.

Kung ang ibang celebrity ay naging abala sa pamamahagi ng relief goods at tulong sa mga apektadong kababayan, itinuon naman ng aktor sa negosyo ang kanyang oras.

Nagsimula ang dating PBB housemate sa online food business para kumita ng extra income at manatiling abala habang ang Metro Manila ay nasa ilalim pa rin ng General Community Quarantine (GCQ).

At ngayon naman ay gumagawa at nagbebenta na siya ng Oreo Box Cakes online sa ilalim ng Kitchen Amore.

Makikita sa Instagram ang ilang larawan ng kanyang finished product na saad niya’y may tatlong flavor– original, creamy at vegan.




Sa panayam ng PEP kay Marco, aniya’y nagsimula ang lahat noong wala raw siyang magawa habang umiiral ang quarantine.

Agad siyang nakipag-ugnayan sa kanyang kaibigan para gumawa ng cake bilang katuwaan at hindi para gawing negosyo, kaya raw ibinebenta niya ito sa murang halaga.

Dahil may kaalaman sa pagbi-bake ng Oreo cake na natutunan niya umano mula sa kanyang ina, nagkakahalaga lang naman ng P250 kada isang box ang kanyang benta.

Bukod dito ay may alok ding marshmallow cake balls si Marco sa halagang P190.

Ayon sa aktor, nage-effort din umano siyang personal na ihatid ang mga baked cakes sa kanyang customers na ipinost pa niya sa kanyang IG account.

View this post on Instagram

ur usual delivery guy #caferacer

A post shared by mac (@marcogalloc) on

Nais daw niyang gumawa ng kakaiba para sa kanyang customers dahil ang kanya umanong motto sa maliit niyang negosyo, “food made with love”.

Samantala, umaabot naman sa 15 hanggang 20 Oreo box cakes ang naibebenta ni Marco kada araw.