Aktor na si John Regala, nakalabas na ng ospital at nagpapagaling sa bahay

370

Nakalabas na ng pagamutan ang aktor na si John Regala makaraang ma-confine dulot ng mga iniindang sakit gaya sa atay.

Sa Facebook, inanunsyo ng kolumnistang si Aster Amoyo na na-discharge na sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) si Regala, na halos walong araw nakaratay sa naturang ospital.

“John Regala is now homebound. Praying that he continues to get better everyday. Many thanks to all those who donated and helped John on his way to recovery,” pahayag niya.

INNITY ADS

Kabilang si Amoyo sa mga kaibigang nagpaabot ng tulong kay Regala.

Bagama’t matagal nang hiwalay, tinulungan din ang aktor ng dati niyang misis na si Aurina Alvarez Manansala-Hunt na kasalukuyang naninirahan sa Estados Unidos.




Matatandaang kumalat sa social media ang sitwasyon ni Regala, na nakunan ng litrato na nakaupo sa gilid ng bangketa habang naghihintay ng tulong medikal sa lungsod ng Pasay kamakailan.

Maliban sa diabetis at severe gout, lumabas din sa pagsusuri ng mga doktor na mayroon siyang liver cirrhosis.

(PHOTO FROM ASTER AMOYO)