AiAi delas Alas, pinagbintangan noon ni Mommy Divine na kinuha ang t-shirt ni Sarah G.

2705

Inamin ni “Comedy Queen” AiAi delas Alas na minsa’y nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni Mommy Divine Geronimo, nanay ng “Popstar Royalty” na si Sarah Geronimo-Guidicelli.

Kuwento ng actress-comedienne, pinagbintangan sila noon ni Mommy Divine na kinuha ang nawawalang t-shirt ng anak habang nasa taping ng teleseryeng “Bituin Walang Ningning”.

Nakasama ng Kapuso celebrity sa nasabing soap-opera si Mrs. Guidicelli, na umere sa ABS-CBN noong 2006, kung saan gumanap silang mag-ina.

INNITY ADS

“Ang medyo na-off ako, nu’ng kinalkal niya ‘yung van namin. Kasi, nawala yung T-shirt ni Sarah, napagbintangan niya na kami ang kumuha. Nakakaloka, ‘Day!” natatawang pahayag ng komedyante sa mga entertainment reporter.

Ipinaliwanag daw ng kapatid niya kay Mommy Divine na hindi nila tinangay ang damit ng supling.




Nang maganap ang insidente, nakaalis na sa set si delas Alas para makahabol sa misa sa Baclaran Church.

“Yung ate ko ang nandoon. Kaya ang ate ko, si Ate Joanne, ang tawag niya kay Mommy Divine, ‘Best friend Divine. Siya ang nag-explain na wala sa amin,” dagdag ng aktres.

Bunsod daw ng pangyayari, lumipat na lamang siya ng kuwarto. Nung una raw kasi ay magkakasama sila sa isang silid ng singer-actress.

Samantala, nagpahayag ng saloobin ang Kapuso comedienne sa hidwaan ngayon ng mag-inang Geronimo.

“Lahat naman kaming mga ina, bukod sa protective, wala naman kaming hinahangad na masama para sa mga anak namin. Kaya lang, pag nasa edad na, puwedeng go na. Parang move on na tayo.”

“Hayaan na natin sa kaligayahan niya si Sarah. Kasi, 31 na si Sarah, e. And I think, lahat na tulong niya sa pamilya niya, nagawa niya,” tugon ng binansagang Comedy Queen.