Ai Ai Delas Alas, inaming naging kabit sa loob ng 7 taon

7096
(Photo: Ai Ai Delas Alas Instagram)

Ibinahagi ng komedyante na si Ai Ai Delas Alas ang kanyang pagiging kabit sa dating karelasyon sa loob ng pitong taon.

Sa panayam ng entertainment press, ibinahagi ni Ai Ai na hindi madali at kahit kailan ay hindi raw naging tama ang maging isang mistress.

“Parang ang bigat-bigat ng buhay mo tapos parati kang malungkot,” aniya.

INNITY ADS

Kwento niya, gabi-gabi raw siyang umiiyak noon sa hirap dahil umano makakasama lamang niya ang karelasyon kung ano lang ang oras na maibibigay nito para sa kanya.

Nagkaroon din umano siya ng dalawang anak sa naturang karelasyon kaya mas naging mahirap raw ang kanyang sitwasyon.




Nang tanungin naman kung ano ang natutunan ng aktres sa nangyari sinabi niyang masama ang maging kabit.

“Try niyo na lang na huwag hangga’t maari. Kung pwede na iwasan, iwasan na lang kasi syempre, sabi nga nila, bawat pagpatak ng luha noong legal na asawa, ‘yun ang pagbabayaran mo. So ako tingin ko marami akong binabayaran,” paliwanag niya.

Naniniwala rin daw siya na hindi rin makakapagbigay ng kapayapaan ang pagpasok sa isang maling relasyon.

Nagbigay rin ng payo si Ai Ai sa mga nanay na nasa maling relasyon din gaya  ng sitwasyon niya noon.

“In general, siguro doon sa mga ano try niyo na lang na wag maging ganon,” sabi niya.

Kasalukuyan namang may tatlong anak ang komedyante at noon lamang December 2017 ay ikinasal ito kay Gerald Sibayan.