Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tinututukan nila ang kaso ng walong Pilipino na nasa custody ngayon ng Myanmar police sa Myawaddy.
Ayon sa DFA, may regular na ugnayan ang Philippine Embassy sa Yangon, sa Myanmar Law Enforcement Authorities sa Nay Pyi Taw at Myawaddy.
Layon nito na matiyak ang seguridad ng naturang mga Pinoy na inaresto doon dahil sa paglabag sa immigration laws ng Myanmar.
Tiniyak naman anila ng Myanmar Police ang seguridad ng naturang mga Pinoy.
Sinabi ng DFA na agad na mapapauwi ang walong Pilipino oras na matapos ang pagproseso sa kanila ng mga awtoridad doon.