Vanessa Bryant, may nakitang liham mula sa asawang si Kobe bago ang kanyang kaarawan

7621
(Vanessa Bryant Instagram)

Isang hindi pa bukas na liham ang natagpuan ni Vanessa Bryant mula sa asawang si Kobe Bryant bago sumapit ang kanyang kaarawan noong Mayo 5.

Ibinahagi ni Vanessa sa Instagram ang larawan niya habang nakahawak sa isang sobre.

Aniya, “Yesterday I found an envelope labeled To: The Love of my Life.”

INNITY ADS

Kwento niya, hinintay niya raw na sumapit ang kanyang kaarawan para buksan ang liham na ito.




“I waited to open one more letter on my birthday. It gave me something to look forward to today.❤️,” saad niya.

“The irony is that Kobe had a photo of me drawn with an Angel holding me up by an artist on the cover,” dagdag niya.

Banggit pa ni Vanessa, miss na miss na umano niya ang asawa at ang kanyang sweet little Mamacita na si Gianna.

Samantala, ipinagmalaki naman niya sa post na masaya siya ngayong kaarawan kasama ang tatlo pang mga anak.

“Wish we were all together. ❤️❤️❤️❤️❤️❤️#MyBirthdayWish,” pahabol ni Vanessa sa IG post.

Maalalang Enero ngayong taon nang masawi si Kobe at Gianna sa isang helicopter crash.

Kasalukuyang kasama ngayon ni Vanessa ang mga anak na sina Natalia, Bianka at Capri.