TINGNAN: Anak ni Solenn Heussaff, Nico Bolzico na si baby Thylane, ipinakita na

1325
(Solenn Heussaff Instagram)

Makalipas ang ilang buwan ay pinakita na rin sa publiko ng aktres na si Solenn Heussaff ang anak nito sa asawang si Nico Bolzico na si Thylane Katana.

Ibinahagi ng aktres sa Instagram account ang larawan ni baby Thylane habang magkatabi ang dalawa.

INNITY ADS

Saad niya, “Best days at home getting to know your pure gentle soul. Te amo Thylane….. de tout mon coeur!”

Pahabol pa niya na tila nang-aasar sa mister, “Sorry @nicobolzico this is just a girls pica… you cant hang with us!”




Samantala, ipinost din ng aktres ang video sa IG story habang karga ang anak.

(Solenn Heussaff Instagram)

Aniya, “I’ll only share you sometimes. My little happy pill.”

Maalalang Enero 1, nang isilang ni Solenn ang anak kasabay ng pagsalubong nila ni Nico ng 2020.