Tatay, boluntaryong pumasok sa quarantine center upang mabantayan ang 2 anak

235
Image from Yonhap News Agency

Boluntaryong sumama sa quarantine center ang isang tatay sa South Korea upang matingnan ang dalawa niyang anak na inilipad mula Wuhan, China, na epicenter ng bagong coronavirus outbreak.

Kabilang ang mga anak ng residente, edad 8 at 10, sa daan-daang evacuees na dinala noong Enero 31 at kasalukuyang nananatili sa Asan at Jincheon.

Hindi naman nakasama ang nanay ng mga bata na isang Chinese national, kasunod ng lockdown ng China sa mga residente nito.

INNITY ADS

Ayon sa Interior Ministry, nakiusap ang tatay na payagan siyang pumasok sa center upang bantayan ang dalawa niyang anak sa buong dalawang linggong quarantine period.

Sumatotal, 700 South Korean mula Wuhan ang kasalukuyang naka-quarantine, habang tinatayang 300 naman ang naiwan pa sa lungsod.