Para pumirmi ang asawang palainom sa labas: Misis, nagtayo ng bar sa likod-bahay

1879
PHOTO: CATERS NEWS

ENGLAND, United Kingdom — Hindi na matiis pa ng isang ginang ang gabi-gabing pagpunta ng kanyang mister sa bar sa kanilang lugar.

Kaya naman gumastos si Jayne Tapper, isang nurse, ng halos $24,219 (higit P1.2 milyon) para maitayo ang pub na tinawag nilang “Doghouse Inn” sa likuran ng kanilang bahay.

Nagtatrabaho bilang engineer ang mister niyang si Paul at madalas tumatambay sa isang bar sa Devon.

INNITY ADS

Halos hindi na raw mapapirmi ni Jayne sa kanilang bahay si Paul kaya gumawa siya ng paraan para magkaroon ng oras na makasama at maka-bonding ang asawa.

“My husband had always loved popping down to our local [pub], and I could never seem to keep him at home,” aniya sa New York Post.




“And so I got thinking — why not create my own pub, become my own landlady?” dagdag ng misis.

Pinatag muna nila ang bakuran kung saan itinayo ang kubo na pinalamutian nila ng mga bagay na nakita nilang sale online at isang upuang kagaya ng sa simbahan na nagkakahalagang $131 (P6,000).

Hindi naman kumpleto ang tambayan kung walang arcade game na pinagkagastusan din nila ng $853 (P40,000).

PHOTOS: CATERS NEWS

Ngunit hindi lang naman para kay Paul ang bar dahil binibisita rin ito ng tatlo nilang mga anak na minsan ay nagsasama pa ng mga kaibigan at kainuman.

“It’s not just become a man-cave as such for Paul. I love using it too and I’d quite happily spend most nights in there,” ani Jayne.