PANOORIN: Solenn Heussaff, napaiyak nang mapanood ang inihandang video ng asawang si Nico

1583
(Nico Bolzico Instagram)

Napaluha ang Kapuso actress na si Solenn Heussaff matapos mapanood ang isang inihandang video presentation ng asawa niyang si Nico Bolzico sa pagdiriwang ng Mother’s Day.

Sa Instagram ibinahagi ni Nico ang isang video kung saan matutunghayan ang aktres habang bitbit ang anak nilang si Thylane at pinanonood ang video presentation.

INNITY ADS

Sa caption sabi ni Nico, “#Thylane prepared a video for mama’s day this morning and she started crying so we were a bit confused, but at the end we think she liked!”

Sa inihandang video ni Nico, mapapanood ang pinagdaanan ni Solenn mula nang ipagbuntis nito ang anak hanggang sa ito’y maisilang.




May pahabol pang mensahe na isinulat ni Nico na aniya’y mula daw kay baby Thylane.

“Today is your special day, but to me, every day is special with you. You gave me my life, but that is nothing in comparison with the love and caring I received from you every day,” saad niya.

“Thanks for being the best mama in the world and for always taking care of #ElPadre and me. We love you so much. Happy First Mothers Day!,” dagdag niya.

Pabiro pa niyang sabi sa mensahe, nangangako raw siyang hindi tatanggap ng mga manliligaw hanggang hindi pa umaabot sa 20-taong-gulang.

Maalalang naging opisyal na ina si Solenn para kay baby Thylane eksaktong bagong taon.