PANOORIN: Michael Bublé, iniregalo sa Pinay caretaker ang bahay ng namayapang lolo

5724
(Screenshot from ET Canada YouTube video)

Hindi makapaniwala ang isang Pinay caretaker nang tumambad sa kanyang paningin ang regalong bahay ng Canadian singer na si Michael Bublé.

Sa latest espisode ng HGTV show “Celebrity IOU” noong Mayo 5, emosyonal na inalala ni Bublé ang namayapang lolo sa pamamagitan nang pagtupad sa hangarin nitong mabigyan ng maayos na tirahan ang kanilang caretaker.

Kinilala si Minette, ang tagapag-alaga at itinuturing na bestfriend ng lolo ni Bublé na aniya’y parte na ng kanilang pamilya.

INNITY ADS

Kwento niya, siya mismo ang nag-hire kay Minette bilang maging nurse ng kanyang lolo.

“I hired Minette, the nurse, to come and live with him and by the end, was his best friend,” aniya sa panayam ng show host na sina Jonathan at Drew Scott.




Isinalarawan din niya ang caretaker bilang “special and beautiful woman.”

Alam din daw niya na lahat ng kinikita nito ay ipinidadala niya sa kanyang pamilya sa Pilipinas.

Saad pa ng singer, isa ito sa mga pangarap ni Minette.

“I think my grandpa would be thrilled knowing that maybe we could lessen the burden a little bit, allowing Minnette to continue helping her family without it being so hard on her,” dagdag niya.

At dahil nasa Pilipinas noon si Minette, nagkaroon ng pagkakataon si Bublé na i-renovate ang naturang bahay sa tulong ng magkapatid na Scott.

At nang makabalik sa Canada ay isang sorpresa ang bumungad kay Minette.

Isinama siya ng singer sa bahay ng namayapang lolo kung saan ikinagulat pa nito ang mga nakitang pagbabago.

Ilang saglit pa ay inamin na ni Bublé na ang renovated house ay regalo sa kanya ng pumanaw na lolo.

“My grandfather, his greatest wish was not just that I kept this house in the family, but it was that this would be your home cause he loved you so much and so there is no documentary this is all for you,” pag-amin niya.

Tila hindi makapaniwala ang caretaker sa nalaman at napaluha na lamang ito sa labis na galak at gulat.