PANOORIN: Mag-inang walang maayos na tirahan, pinatayuan ng bago ni Marcelito Pomoy

2416
(Screenshot from Marcelito Pomoy YouTube video)

Isa na namang ginang mula Quezon ang tinulungan ng singer na si Marcelito Pomoy para mapagawan ng maayos na bahay.

Sa YouTube video ni Marcelito na ibinahagi nito noong Mayo 12, nalaman niya raw ang kwento ni Nanay Nelia at anak nitong si Ismeraldo Collante sa isang nagviral na Facebook post ng netizen na si Aira Capanas.

Agad nagtungo ang kanyang team sa lugar ni Nanay Nelia kung saan nakapanayam pa niya ito.

INNITY ADS

Ayon sa singer, nagpasya siyang tulungan ang mag-ina dahil wala umanong tirahan ang dalawa.

Makakasama din niya sa pagpapagawa ng bahay ang ilang kapitbahay ni Nanay Nelia.




Naghandog ng coco lumber, plywoods, mga bakal at yero para sa bubong si Marcelito.

“Noong nakita ko ‘yung pinost mo sa Facebook, naantig ang puso ko. Wala akong dalawang isip na tulungan ang mag-inang ito,” aniya.

Nabanggit din nito na ang perang ginamit niya para sa pagpapagawa ng bahay ay ang mga kinita ng singer sa vlog tungkol kay Nanay Aurora na una niyang pinagawan ng bahay.

Malaki rin ang pasasalamat ni Marcelito kay Airah na nagpost ng picture sa Facebook.