PANOORIN: Dingdong Dantes, gumawa ng short movie na pinagbibidahan ni Marian para sa Mother’s Day

498
(Screenshot from Dingdong Dantes Instgram video)

Hindi isang simpleng araw para sa mga nanay ang regalong handog ng Kapuso actor Dingdong Dantes para sa kanyang maybahay.

Sa pagdiriwang ng Mother’s Day nitong Mayo 10, isang short movie ang ginawa ni Dingdong na pinagbibidahan mismo ng misis na si Marian Rivera.

Nitong Sabado ay ini-upload ng aktor sa kanyang Instagram account ang video na tumagal ng tatlong minuto kung saan mapapanood si Marian habang ipinakikita ang papel ng isang ina.

INNITY ADS

“We made a movie—a short one. It’s about this beautiful woman, who happens to be the mother of my children,” saad niya sa caption.




Maririnig din ang boses ni Marian habang binibigkas ang tulang isinulat naman ng musician na si Yan Yuzon.

Ito ay tungkol sa walang kapantay na pagmamahal ng isang ina sa kanyang buong pamilya lalo na sa kanyang mga anak.

Sa huling bahagi ng video ay mababasa ang pagbati nito para sa mga ilaw ng tahanan.

“Para sa lahat ng Nanay. Sa Araw ng mga Nanay. #KapitNanay,” sa sariling direksyon ni Dingdong.

Marami naman ang naantig sa video na agad nakatanggap ng ilang libong likes mula sa mga followers ng Kapuso Royalty.