Matteo Guidicelli, nakalikom ng mahigit P4M para ihandog sa pamilyang apektado ng COVID-19 lockdown

966
(Matteo Guidicelli Instagram)

Nakalikom ng mahigit P4 milyon ang aktor at singer na si Matteo Guidicelli mula sa isang online event noong Linggo na may layong tulungan ang mga pamilyang apektado ng COVID-19 lockdown.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ng aktor ang naturang event na tinawag niyang “One Voice Pilipinas” kung saan mapapanood ang performances ng ilang singers.

Aniya sa kanyang post, “We would like to invite everyone tomorrow 12noon on my FB page. Let’s talk about what’s happening today, at the same time we’ve got special guests with treats for you!”

Kabilang sa mga nagtanghal sina Jed Madela, Jason Dy, Kean Cipriano, Joey Generoso, Gian Magdangal at maging ang asawang si Sarah Geronimo.

One Voice Pilipinas

One Voice Pilipinas Let's unite to raise funds for families in need. Donate at https://onevoicepilipinas.landers.ph. Your donations will bring relief to our fellow Filipinos affected by COVID-19 pandemic.#onevoiceph

Posted by Matteo Guidicelli on Saturday, March 21, 2020

Para sa event, nakipagtulungan si Matteo sa Landers Superstore, Philippine Army at ilan pang kasamahan sa industriya.

Nagbigay naman ng kani-kanilang pahayag tungkol sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa ang ilan sa mga personalidad gaya nina Judy Ann Santos, Nico Balzico at Jerico Rosales.

Matapos ang naturang live streaming, inanunsyo ni Matteo na nakalikom sila ng mahigit P4 milyon sa loob lamang ng limang oras.