Mag-asawa, ipinaubaya sa toss coin ang pagpili ng dadalhing apelyido

196
Mr. and Mrs. Ward. Photo via Palm Beach Post

Sa ngalan ng pagkakapantay-pantay, lumihis ang isang bagong kasal sa Florida, US sa tradisyong apelyido ng lalaki ang gagamitin ng mag-asawa.

Naisipan nina Jeff Conley at Darcy Ward na ipaubaya na lang sa toss coin ang pagpili kung kaninong apelyido ang dadalhin nila matapos ang kasalan.

Kaya sa seremonya noong Disyembre 14, sa harap mismo ng altar, inihagis nila ang medalyong gawa sa tanso na inukitan ng kanilang apelyido sa magkabilang bahagi.

INNITY ADS
via Palm Beach Post

At ang resulta, lumabas ang apelyido ni Darcy na parehong ikinasabik ng mag-asawang Ward.

“It’s fair. I am a graduate student in economics at Florida State and I think about fairness,” ani Jeff sa Palm Beach Post.




“Being with someone who was willing to start the marriage from a creative and teamwork and fair place felt like a really good first step toward an equal partnership,” saad naman ni Darcy, isang nurse-midwife.

Wagi man ang apelyido ni Darcy, para na rin daw nanalo si Mr. Ward dahil aniya, “I was the one who received something new.”

Hindi na bago kina Darcy at Jeff, na nagkakilala sa Tinder, ang hindi pagsunod sa nakasanayang gawi ng mga magkasintahan.

Sa wedding proposal pa lamang, parehong naghanda ng magkahiwalay na sorpresa ang dalawa.

Idinaan ni Darcy sa scavenger hunt ang kanyang proposal at lumuhod din siya sa harap ng nobyo.

Habang si Jeff naman ay hinarana ang nobya ng kanilang paboritong awiting “The Night They Drove Old Dixie Down.”