Kris Aquino, pinasalamatan si Willie Revillame dahil sa pag-offer nito ng kanyang beach resort

970
(Kris Aquino Instagram)

Ipinagmalaki ng tinaguriang Queen of All Media at aktres Kris Aquino ang personal niyang pasasalamat sa host at kaibigang si Willie Revillame.

Sa kanyang Instagram ibinahagi ni Kris ang isang video kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby habang nakasakay sa isang chopper dahil ipinasundo umano sila ni Willie.

View this post on Instagram

i’ll try to make this short, TRY— for the community quarantine we were ready to stay in Boracay but realistically marami kaming 3 na kailangang prescription meds, medyo aware na kayo sa autoimmune ko, kuya has reflux & bimb has asthma. a kindhearted, generous, and SPECIAL friend of ours pinasundo (thank you Capt Elmer) & ngayon kinukupkop kami. bakit di po kami dumirechong umuwi? wrong timing kasi ako, nagpa renovate ng 2nd floor, clean & ready early next week. if you want a tour of willie’s new beach property (para gumaan ang stress) kayo na mag request here, i’ll show him— na SHY na ko. i included shots of how beautiful our country 🇵🇭 is, para maalala nating mag TULUNGAN sa gitna ng pagsubok, magsuportahan, magpakatatag, sumunod sa mga pagpapahalaga sa KALUSUGAN ng LAHAT, magdasal para sa isa’t isa, at magmahalan. 🤍🤍🤍

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino) on

INNITY ADS

Aniya sa post, “…a kindhearted, generous, and SPECIAL friend of ours pinasundo (thank you Capt Elmer) & ngayon kinukupkop kami.”

Ayon sa aktres, dahil sa community quarantine, nagpasya silang manatili muna sa Boracay.




“…but realistically marami kaming 3 na kailangang prescription meds, medyo aware na kayo sa autoimmune ko, kuya has reflux & bimb has asthma,” sabi ni Kris.

Ipinaliwanag din niya kung bakit hindi pa sila makauwi sa kanilang bahay.

Saad niya, “…bakit di po kami dumirechong umuwi? wrong timing kasi ako, nagpa renovate ng 2nd floor, clean & ready early next week.”

Sa huli ay sinabi ng aktres, “… i included shots of how beautiful our country 🇵🇭 is, para maalala nating mag TULUNGAN sa gitna ng pagsubok, magsuportahan, magpakatatag, sumunod sa mga pagpapahalaga sa KALUSUGAN ng LAHAT, magdasal para sa isa’t isa, at magmahalan.”

Maalalang nito lamang nang ideklara ni President Rodrigo Duterte ang Metro Manila na sumailalim sa “community quarantine” para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus.

Nitong Sabado ng gabi, nasa 111 kumpirmadong kaso na ng COVID-19 sa bansa.