
Sa patuloy na enhanced community quarantine sa Luzon, nanawagan si Miss Universe 2018 Catriona Gray ng donasyon para sa mga pamilya sa Tondo, Manila.
Kasama ni Gray ang kanyang advocacy group na Young Focus sa pangunguna sa feeding program sa 1,000 pamilya na wala nang kinikita dahil sa kasalukuyang krisis.
Sa kanyang Instagram account ibinahagi ng beauty queen ang isang video ng panawagan.
Aniya, “Staying at home looks a lot different for many families across our nation right now.”
Giit niya, maswerte pa raw siya na mayroon siyang magandang tirahan at may nakakain araw-araw.
“For many Filipino families though, their reality is contrastingly different,” dagdag niya.
Binanggit din ni Gray na ang 15 kg ng bigas sa halagang P550 ay sapat na umano para mapakain ang isang buong pamilya.
Samantala, ang Young Focus ay isang organisasyon sa Tondo na tumutulong sa libreng edukasyon para sa mga kabataan na pinanungangahan ni Gray.