2 babaeng magkaibigan, nadiskubreng magkapatid matapos ang 17 taon

4578
(Facecook)

Sa loob ng mahabang panahon, saka lamang nalaman ng dalawang babae mula Pennsylvania, USA na sila pala ay magkadugo.

Mas matindi pa sa pagiging magkaibigan ang turingan nina Ashley Thomas,31, at Latoya Wimberly,29, sa loob ng 17 taon.

Nagsimula ang kanilang pagiging “besties” noong 2004 nang una silang magkita at magkamabutihan sa birthday party ng isang kaibigan.

INNITY ADS
(Photo from Facebook)

Ayon kay Thomas, para silang pinagdikit ng glue noong sila ay magsimulang magkagaanan ng loob.

Para sa kanilang dalawa, hindi lamang “besties” kundi “sister” ang tingin nila sa isa’t isa.




At nito lamang Enero ngayong taon, nalaman nila ang matagal ng nakatagong sikreto nang magpost sa Facebook ng mga larawan sa isang engagement party si Wimberly habang kasama niya ang kanyang ama na si Kenneth Wimberly.

Nang makita ng kaibigan ng nanay ni Thomas ang mga litrato, namukhaan nito si Kenneth at sinabing nagkaroon ito ng relasyon sa kanyang ina.

Dahil sa nalaman, ipinasuri ni Thomas kay Kenneth ang litrato ng kanyang ina at dito niya napagtanto na sila nga ay nagkaroon ng relasyon noon.

Para mapatunayan ay nagpa-DNA test si Thomas at nalaman niyang si Kenneth nga, na ama ni Wimberly ang matagal na niyang hinahanap na ama.

“When Kenny told me he was my dad, chills went through my body. I couldn’t think. I couldn’t process it. I couldn’t even talk to them,” kwento ni Thomas.

Aniya, dahil magkaibigan sila ni Wimberly ay parang anak na rin ang turing ni Kenneth sa kanya mula pa man noon.

Madalas pa raw siyang naiimbita ng ama sa mga pagtitipon ng pamilya nito at noon pa man ay tinutulungan na raw siya nito ng walang kahit anong kapalit.

“Big Kenny was like my dad. He was there for me the whole time and I had no idea,” saad ni Thomas.