Pinay sa Kuwait, gumawa ng face masks para ibigay ng libre sa kapwa OFWs

434
(Image by Myla Mago via Facebook)

Talagang inaral ng isang Pinay mula sa Kuwait ang pananahi para makapagbigay tulong sa mga kapwa Overseas Filipino Worker (OFW) sa pamamagitan ng libreng face masks.

Kasama ang kanyang pamilya, nananahi si Mayla Rose Mago para mahandugan ang mga Pilipinong kasalukuyang nasa Kuwait sa gitna ng quarantine.

Ayon kay Mayla, sinimulan niya ang pagtatahi ng masks dahil wala raw anumang tindahang nagbebenta nito sa naturang bansa.

(Image by Myla Mago via Facebook)

Kaya nang ipatupad ang malawakang lockdown dahil sa COVID-19 pandemic, sinimulan niya na raw aralin ang pananahi sa panonood ng video tutorials.

 

 

 

 

“Since 20 days kaming total lockdown, wala kaming gagawin after homeschooling so nag-start ako sa maliit na sewing machine. Hindi ko nga naisip na magagawa ko dahil hindi naman talaga ako marunong manahi. Puro YouTube at Google training lang,” kwento niya.




Batid daw kasi niya na kailangan ito ng kapwa niya OFWs lalo pa’t nagkakaubusan ng suplay nito hindi lang sa Kuwait kundi maging sa isang bansa.

Naikuwento rin niya na umabot na sa United Kingdom ang sariling bersyon ng face masks.

Gamit na gamit daw ito roon lalo pa’t obligado ang lahat na magsuot nito habang nasa labas ng bahay.

Ipinagmalaki niya rin ang kalidad ng mga ginawang produkto na aniya’y maganda ang tela at sakto ang fitting sa mukha ng magsusuot.

Samantala, isa rin daw itong ‘di malilimutang karanasan para kay Mayla dahil naging bonding moments nila ito ng kanyang pamilya.