‘Pamilya ang turing nila sa akin’: OFW sa Saudi Arabia, sinorpresa ng amo sa Bagong Taon

2937
Courtesy Avein Sealo Alyn

Taliwas sa madalas lumabas sa balita at social media ukol sa mga overseas Filipino worker (OFW) na minamaltrato ng amo nila, masuwerte ang isang domestic helper sa Saudi Arabia na napunta sa isang mapagmahal na boss.

Ayon kay Avein Sealo Alyn, niregaluhan siya ng cake at pera ng Arabong amo nitong pagsalubong sa Bagong Taon.

Sa video na ibinahagi niya sa Facebook, napaluha at nagyakapan sila ng katrabaho nang bumungad sa kanila ang sorpresa ng pinagsisilbihang pamilya.

Rinig sa background ang cheer ng mga banyaga para sa kanilang ulirang empleyado.

 

“Share ko lang mga kabayan. First new year ko dito sa amo ko. Nakaka-touch yung way nila ng pagbati sa amin ng happy new year. mixed emotion at super blessed na kapamilya ang turing nila sa akin,” mensahe ng kababayan sa Facebook account niya.

Aabot rin umano sa 400 riyal o P4,000 ang perang nakuha ng OFW.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority noong 2018, nasa 25 porsiyento ang kabuuang bilang ng mga kababayang nagtratrabaho sa Saudi Arabia.

INNITY ADS