WATCH: Mga artista, nagbigay ng suporta sa mga medical workers

140

Nagsama-sama ang ilang malalaking artista upang magbigay-pugay sa mga medical frontliners na nangunguna ngayon sa digmaan kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Kabilang sa mga personalidad na nagpahatid ng mensahe ng pasasalamat at pagpapaumanhin ay sila Dingdong Dantes, Marian Rivera, Anne Curtis Smith, Angel Locsin, Piolo Pascual, Angelica Panganiban, Iza Calzado, Gabbi Garcia, Janine Gutierrez atbp.

Ibinahagi ng grupong League of Filipino Actors (AKTOR) sa social media ang video na layuning magpaabot ng suporta at pagasa sa mga itinuturing na bagong bayani – mga doktor, nurse, at iba pang healthcare professionals.

INNITY ADS

“Sorry kung hindi mo ramdam. Patawad kung nakakakalimot kami minsan. Higit sa mga salita, higit sa titulo, nararapat ka para sa pagpupugay at pag-aalaga, at ipaglalaban namin ang nararapat sa’yo. At ituturing ka naming bayani, pero hindi martir. Ang ibig kong sabihin, kailangan ka namin ng buhay, dahil babawi pa kami sa’yo pagkatapos, hindi ba?” pahayag ng aktor.

Labis din ang pasasalamat ng mga artista sa dedikasyon at sakripsyong ginagawa ng maraming frontliner.




Hinikayat din nila ang mga medical workers na kumapit pa dahil “may isisilang pa tayo ng bagong mundo at gusto namin ay maging bahagi ka ‘non.”

Ipinost ang naturang video matapos mamatay at magkasakit ang ilang doktor at nurse habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.