VIRAL: Mala-Spiderman na paniningil ng isang konduktor sa mga pasahero

4117
Courtesy Facebook/Rene Rivera

Viral ngayon sa social media ang buwis-buhay na pagtratrabaho ng isang konduktor ng bus sa kasagsagan ng rush hour.

Sa kuhang litrato ni Rene Rivera, agaw-pansin ang mala-Spiderman na isitilo ng paniningil ng nasabing konduktor sa kaniyang mga pasahero.

Makikitang tumuntong siya sa compartment, naglambitin, at lumipat-lipat ng puwesto sa pamamagitan ng paghawak sa handrails ng siksikang bus.

INNITY ADS

Kuwento ng uploader, ginawa ito ng konduktor ng mahigit isang oras.

Nakatatawa man tingnan, mas nananaig parin sa netizens ang pagkadismaya sa kasalukuyang sitwasyon ng pag-cocommute sa bansa.