VIRAL: Lalaki, nag-camping sa labas ng Jollibee para sa one year supply ng Chickenjoy

311
Facebook/ Jollibee Canada

Viral ang lalaki na nag-camping sa labas ng Jollibee para sa store opening nito sa Edmonton sa Alberta, Canada.

Dala lamang ang kaniyang upuan, pumuwesto na agad ang hindi pinangalanan na lalaki simula nitong Martes kahit na magbubukas pa lamang ang fastfood store chain sa darating na Biyernes, Agosto 16.

Sa Facebook page ng Jollibee Canada, ipinahayag dito na ang unang 50 na customer na bumili sa halagang $25 o higit kumulang P1250 ay magkakaroon ng libreng one year supply ng Jolly Crispy Chickenjoy.

INNITY ADS

Ang unang 300 na customer ay makakatanggap din ng libreng Jollibee Funko Pop.

Marami namang netizen ang humanga sa lalaki sa dedikasyon nito para sa libreng one year supply ng chickenjoy.




“If I will be one of the first 50 to receive monthly bucket for a year, I will give the monthly bucket to the homeless downtown,” komento naman ni Ehms Vergara.

Ani ng mga netizen, nagulat sila dahil hindi pinoy at isang dayuhan ang nanguna sa pila. Popular ang Jollibee lalo na sa Pilipinas.

Ito ang ikatlong Jollibee store sa Canada: una sa Winnipeg, Manitoba habang ang isa ay sa Mississauga, Ontario.