VIRAL: Anak, nagbigay-pugay sa sakripisyo ng yumaong ama na isang tricycle driver

517

Dahil sa pagiging tricycle driver, napagtapos ng isang tatay ang kaniyang tatlong anak at naipagamot din ang mga kapamilyang tinamaan ng matinding sakit.

Umani ng higit 150,000 reactions sa social media ang post ni Jan Marini Capacio tungkol sa yumaong ama na si Nomeriano na todo-kayod sa pamamasada upang maibigay ang kanilang pangangailangan.

Kuwento niya, nang magkaroon siya noon ng bone tumor at na-stroke naman ang kaniyang nanay ay maghapon pumapasada ng tricycle si Tatay Nomeriano at rumaraket din bilang dispatcher.

Nagawang ipunin ng haligi ng tahanan ang kinikita niya na P800 to P1000 kada araw.

Taong 2018 nang magtapos si Jan sa Lyceum University of the Philippines na ginawaran ng excellence award ng pamantasan.




Pero noong 2019 ay pumanaw si Tatay Nomeriano dulot ng heart attack.

“Saglit mo lang naranasan ang katas ng lahat ng paghihirap mo, Tay. Pero alam ko masaya ka na d’yan na nakikita kaming maayos,” mensahe ni Jan na umantig sa puso ng maraming netizen.

Dagdag pa niya, habambuhay nilang ipagmamalaki na itinaguyod sila ng isang huwarang tricycle driver.

Hi Buknoy,Eto yung pangarap na tinupad ng tricycle driver kong tatay.Kita mo yang ukab sa kamay ko? Nagkaron ako ng…

Posted by J Capacio on Saturday, July 4, 2020