Vicki Belo, namahagi ng personal protective equipment sa mga ospital

122
Dra. Vicki Belo. Photo/Facebook

Ipamimigay ng Belo Medical Group ang mga natitira nilang stock ng personal protective equipment (PPE) sa mga ospital na tumutugon sa COVID-19 pandemic.

Bukod sa donasyon, sinuguro rin ni Vicki Belo na makatatanggap ng buong sahod at benepisyo ang kanilang mga empleyado habang ipinapatupad ang enhanced community service.

Nakasaad din sa Instagram post ng celebrity doctor ang maagang pamamahagi ng 13th month pay sa mga empleyado at pagpapatupad ng “no work, with pay” kung sakaling umabot sa buwan ng Mayo ang suspensyon ng trabaho.

INNITY ADS

“Extraordinary times call for extraordinary measures. Belo Medical Group stays in solidarity with the government, and the people in our continued fight against the spread of COVID-19,” ani Belo.

“We must, in all ways, go beyond the necessary actions for the betterment of our country. God bless us, and keep us all safe and healthy.




Nanawagan ang Belo sa ibang kompanya na suportahan ang kanilang mga empleyado sa pamamagitan ng patuloy na pagpapasahod sa kabila ng tigil operasyon.

Mananatili namang bukas ang linya ng beauty company sa onlien, email o SMS para sa mga pasyenteng may mahalagang pakay.