
Binatikos ang dalawang turista dahil sa ‘bastos’ nitong aksyon na ginawa sa isang sagradong templo sa Bali, Indonesia.
Sa video na ibinahagi ni Dr. Arya Wedakarna, senador sa Bali, makikita ang dalawang turista na pinaglalaruan ang holy water.

Mapapanood sa video na yumuko ang babae at itinaas ang palda nito at naghugas ng puwitan gamit ang holy water habang tumatawa.
Kinilala ang magkasintahan na sina Sabina Dolezalova at Zdenek Slouka, ang nasa video.
Umani ng negatibong reaksyon ang video mula sa mga netizen at sinabing dapat i-blacklist sila sa Indonesia dahil sa pambabastos sa isa sa mga templo dito.
“I am not Balinese and not Hindu, but I am very insulted by their stupidity,” ani ng netizen. “It’s insulting to Indonesia.”

Ayon sa magkasintahan, hindi nila alam na holy water ito at humingi sila ng paumanhin.
“We didn’t know it was holy water. We didn’t want to do anything bad. We are truly sorry,” paliwanag ni Sabina.
Naresolba rin ang isyu ayon kay Daniel Šimkovič, manager nila Dolezalova at Slouka.
“A voluntary contribution was proposed to the local village. Whatever amount Sabina and her friends give, it is up to them and purely voluntary,” pahayag ni Daniel.