TINGNAN: Wendell Ramos, isa nang ganap na bumbero

486
Instagram/@wendellramosofficial

Ganap nang bumbero si Wendell Ramos matapos maipasa ang training ng organisasyong Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP).

Ibinalita ito ng aktor sa Instagram kamakalawa, kasama ang ilang litrato mula sa pinagdaanang pagsasanay.

“It was really an honor to train and be a certified ABP, but to be honest, I need to learn and experience more…” saad niya sa caption.

“It’s truly a humbling experience for me,” dagdag niya pa.




Bukod kay Ramos, may ilang artista ring sinamantala ang quarantine period para sumabak sa training sa mga public safety group.

Kamakailan lang, ibinahagi ni Beauty Gonzalez na sumasailalim siya sa pagsasanay ng Special Operations Unit (SOU) ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group.

Samantala noong Araw ng Kalayaan naman, isinabay ni Arci Muñoz ang pagsabak bilang reservist ng Philippine Air Force (PAF).