TINGNAN: Mga kalahok sa isang marathon sa Marikina, tumakbo nang naka-high heels

96
Courtesy: Marikina PIO

Tumakbo habang nakasuot ng high heels ang mahigit 100 kalahok ng Tour de Takong o Stiletto Race sa Marikina City, noong Sabado, Nobyembre 30.

Bahagi ng taunang Sapatos Festival ang nakatutuwang karera. Tampok sa naturang kompetisyon ang iba’t-ibang disenyo ng sapatos na gawang Marikina.

Agaw-pansin ang mga babae at lalaking handa-handang sa pagtakbo ng nakatakong at mga costume na kinarir ng ilang kasali.

Posted by Marikina PIO on Saturday, November 30, 2019

Posted by Marikina PIO on Saturday, November 30, 2019

Posted by Marikina PIO on Saturday, November 30, 2019

Posted by Marikina PIO on Saturday, November 30, 2019

Nagsimula ang paligsahan bandang alas-2 ng hapon sa Cityhood Park at ginanap sa Shoe Avenue ang awarding ceremony.

Nakatanggap ng P15,000 ang tinanghal na kampeon sa female at male category.

Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro, layunin ng “Stilleto Race” na wakasan ang karahasan at diskriminasyong nararanasan ng mga kababaihan.

“Hangad nitong ipaalala ang sense of self-worth ng mga babae; ang kanilang karapatang pumili, ang access sa oportunidad at resources; ang pagkakaroon ng kontrol sa kanilang buhay, sa loob man o sa labas ng bahay; at higit sa lahat, ang kanilang abilidad na magdulot ng social change upang magkaroon ng mas patas na lipunan”, pahayag ng alkalde.