TINGNAN: Higanteng hito nabingwit sa Ilog Pasig

2537
Image via Facebook/Pasig River Rehabilitation Commission

Nabingwit ng mga residente ang isang higanteng hito sa Pasig River nitong Huwebes ng umaga.

Ayon kay Jose Antonio Goitia, executive director ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC), may bigat na sampung kilo ang nahuling isda.

Natatangi ang nakulimbat na isda dahil hindi bababa sa isang kilo ang timbang ng ordinaryong hito.

INNITY ADS

Matatandaang may malaking tilapia na nakuha sa parehong ilog noong nakaraang buwan.

(BASAHIN: Higanteng tilapia nabingwit sa Estero de San Miguel)




Maituturing man na magandang senyales ang paglalabasan ng malalaking isda sa Pasig River, pinayuhan pa din ni Gotia ang publiko na suriin mabuti kung ligtas itong kainin.

Gayunpaman, ito ay magsisilbing inspirasyon sa kanila para mas pairalin pa ang paglilinis at pagproprotekta sa Ilog Pasig.

“Our joint efforts will definitely result to making the Pasig River habitable for more species of fish”, pahayag ng PRRC sa kanilang Facebook page.