TINGNAN: Biik, iisa lamang ang ulo pero may 2 mukha, 3 mata

260

Labis na ikinagulat ng isang pamilya sa Siargao Island, Surigao del Norte ang hindi pangkaraniwang hitsura ng kanilang alagang biik.

Sa kuha ni Lore-Jane Plaza Corbeta, nagmistulang may dalawang mukha sa iisang ulo ang pinagkakaguluhang biik. Tatlo rin ang mata ng hayop at magkahiwalay ang nguso.

Liksi man. Pero hinaot pa unta maka survived cja. 🙏

Posted by Lore-Jane Plaza Corbeta on Wednesday, June 24, 2020

Kuwento niya, sa siyam na biik na isinilang ng inahing baboy nila noong Hunyo 25, iisa lamang ang namumukod-tangi ang hitsura.

Naisipan din ng may-ari ng biik na bumili ng bote upang dito na lamang painumin ng gatas ang hayop bunsod ng maselang kondisyon nito

Ang kalagayan ng hayop ay tinatawag na polycephaly o pagkakaroon ng higit sa isang ulo, ayon sa mga dalubhasa.




Paliwanag nila, nangyayari ito kapag nagdikit ang sperm at hindi naghiwalay dahilan para hindi mabuo ang isang biik.

Kadalasan umanong hindi nabubuhay ang mga hayop na may ganitong karamdaman.

(Photo courtesy of Lore-Jane Plaza Corbeta)