TINGNAN: Bicolana, top 1 sa 2019 Bar exams

2344
Courtesy Facebook/Mae Diane Azores

Inilabas ng Korte Suprema sa kanilang website ang listahan ng mga pasado sa 2019 Bar Exam nitong Miyerkoles ng umaga.

Nanguna ang law graduate ng University of Santo Tomas-Legazpi na si Mae Diane Azores, matapos makakuha ng markang 91.0490%.

Sa isang panayam, sinabi ni Azores na hindi niya inaasahang magiging topnotcher siya sa pagsusulit.

INNITY ADS

“Ang prayer ko talaga is, ‘Lord, ipasa mo ko. Let this be according to your will, sana maging topnotch na rin ako, kahit top 8 lang.”

“Nung bago pa lang magstart ‘yung review, may nagsasabi nang mga tao na, ‘Oh, kaya mo yan, magiging topnotcher ka!’ Yung pressure na ‘yun ginamit ko siya as motivation and thinking ko na rin na baka kaya naman,” saad pa ng dalaga.




Bago maging abogado, isang certified public account si Azores at kasalukuyang nagtratrabaho sa Commission on Audit-Region V.

Pumangalawa naman sa eksaminasyon si Princess Fatima Parahiman mula sa University of the East na may gradong 89.5230%.

Nasungkit ni Myra Baranda ang ikatlong puwesto (88.8250%) na nagtapos din sa UST-Legazpi.

Kabilang din sa top 10 ang mga sumusunod na law graduates:

4. Dawna Fya Bandiola (San Beda College–Alabang) – 88.3360%

5. Jocelyn B. Fabello (Palawan State University) – 88.2630%

6. Kenneth Glenn L. Manuel (University of Santo Tomas) – 88.1730%

7. Rhowee D. Buergo (Jose Rizal University) – 87.8710%

8. Anton Luis Avila (Saint Loius University) – 87.5820%

9. Jun Dexter Rojas (Polytechnic University of the Philippines) – 87.5765%

10. Babelan Madera (University of St. La Salle) – 87.3795%

Ayon sa Korte Suprema, mula sa 7,685 na examinees, 2,103 o 27.36 porsiyento ang pumasa ngayon para sa pagiging abogado.

Mas mataas raw ang bilang na ito kumpara noong 2018 bar exam na umabot lamang sa 22.07 porsiyento o 1,800 bar passers.

Ginanap ang pagsusulit sa UST noong mga Linggo ng Nobyembre 2019 na pinangunahan ni SC Associate Justice Estela Perlas-Bernabe.