TINGNAN: Bagong presidente ng Toyota PH, sinubukan ang buhay commuter sa Maynila

215
PHOTOS: Facebook / TMP President's Office / Hiro Okamoto

Sumabak sa misyon ang bagong talaga na hepe ng Toyota Motor Philippines na kilalanin ang kasalukuyan niyang merkado.

Kalagitnaan ng buwan ng Pebrero nang opisyal na palitan ni Atsuhiro Okamoto si Satoru Suzuki na apat na taong nagsilbing presidente ng TMP.

Sa nag-viral na post ni Okamoto, ibinahagi niya ang ginawang paglibot sa Maynila sakay ng mga pang-araw-araw na transportasyon ng mga Pilipino.

INNITY ADS

“During my first week in the Philippines, I decided to do ‘Genchi Genbutsu,’ or to ‘Go and See’ the daily struggles of Filipino commuters,” aniya.

Makikita sa mga litrato ang pagsakay ng Japanese executive sa jeep, pakikipagsiksikan sa Metro Rail Transit, at tila hirap na pagpasok sa tricycle sa Tondo.




Nasubukan niya rin umanong pumila nang matagal para sa UV Express; karanasang ibang-iba sa pagmamaneho ng sariling kotse–na nangungunang produkto ng kanilang kompanya.

“For me, it’s a good learning experience. I realize that unlike Japan or Singapore, the Philippines’ current mass transport system is not enough to accommodate the huge number of daily commuters,” saad ni Okamoto.

“I would like Toyota to take part in this big challenge to upgrade the quality of life for many Filipinos,” dagdag pa niya.