Singer na si Carol Banawa, sasabak bilang COVID-19 frontliner sa US

993
Instagram/@iamcarolbanawa

Magsisilbi na si Carol Banawa bilang frontline nurse laban sa COVID-19 sa United States sa susunod na linggo.

Ibinalita ito ng singer sa kanyang Instagram nitong Sabado, kasama ang litrato niyang nakasuot ng medical equipment.

“Just got word that I will be floating out of my home unit starting next week to train and help out other units in the next few weeks,” saad niya.

INNITY ADS

“Preparing for the incoming surge of #covid patients. Grateful to receive this added protection just in time,” dagdag pa niya.




Taong 2018 nang maging registered nurse sa U.S. si Banawa na nakilala sa mga awiting “Iingatan Ka”, “Tanging Yaman” at “Bakit Di Totohanin”.

Nakapagtapos siya bilang summa cum laude sa nursing program sa Northern Virginia Community College.

Nakabase ang singer-nurse sa U.S. kasama ang asawang si Ryan Crisostomo, at dalawa nilang anak.