Pilipinas, nangunguna pa din sa medal tally ng SEA Games 2019

252
COURTESY: 2019 SEA Games Facebook page

Namamayagpag pa rin ang Pilipinas sa may pinakamaraming panalo sa ikalawang araw ng 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Batay sa official count, humakot ng 24 ginto, 14 pilak, at siyam na tansong medalya ang mga manlalarong Pinoy.

Malaki ang tiyansang mahihigitan ng bansa ang nauwing 23 gold medals noong 2017 SEA Games.

Narito ang latest medal tally as of 11:00 AM ng December 2:

 

Si Monica Torres ang pinakahuling atletang nakasungkit ng gold medal sa duathlon competition na ginanap sa Subic, Zambales.
Nauna nang pinarangalan ang mga kalahok sa dancesport, arnis, triathlon, boxing, wushu, at gymnastics.