PANOORIN: Mga kandidata ng Miss Universe PH 2020, nagpakilala gamit ang iba’t-ibang lengguwahe sa bansa

433
Screengrab from Miss Universe Philippines' video on Facebook

Bukod sa kanilang mga sarili, sabay na ipinakilala ng mga kandidata ng Miss Universe Philippines 2020 ang iba’t-ibang lengguwahe na mayroon sa bansa.

Sa video sa Facebook page ng pageant, ipinagmalaki ng 52 kababaihang maglalaban sa korona ang pinagmulan nilang lugar gamit ang lokal na lengguwahe.

 

Pinuri naman ng maraming netizens ang video na tinapos sa tagline na swak sa selebrasyon ng Women’s Month: “No matter what language she speaks, every Filipina is phenomenal.”

INNITY ADS

Gaganapin ang Miss Universe Philippines 2020 sa Mayo 3 sa Mall of Asia Arena.