PANOORIN: Jose Mari Chan, hinarana ang mga pasahero ng LRT 1

165
Courtesy LRMC

Kung tayo madalas naririnig ang mga awitin ni Jose Mari Chan sa mall, ang mga pasahero ng LRT 1, personal na hinarana ng “Father of Philippine Christian Music”.

Sinorpresa ng premyadong mang-aawit ang mga commuter nang sumakay siya tren at kumanta ng “Christmas In Our Hearts”.

Inawit din niya ang pinasikat na musikang “Perfect Christmas”.

Bahagi ng paglulunsad ng “Christmas Train” na may temang “Christmas in Our Homes” naturang performance ni Chan.

Aarangkada ang mga naturang bagon hanggang Pebrero at bibiyahe ng labingdalawang beses.

Kasama din sa mga naghandog ng awitin sa mga pasahero ang choir ng Children’s Joy Foundation at iba pang OPM artists. Nakatanggap din sila ng libreng tsokolate at candies.

Panoorin ang surprise intermission number ni Jose Mari Chan:

Jose Mari Chan at LRT-1 Christmas Train

Everyone is invited to experience LRT-1's Christmas Train, specifically dressed up to let commuters feel the holiday vibes inside a traditional Filipino home!

Posted by AC Infrastructure on Wednesday, November 27, 2019

 

Kalahating milyong tao ang sumasakay sa LRT 1 kada araw at nasa 30 tren ang bumabiyahe mula Pasay hanggang Quezon City.