Palitan ang pangalan ng isdang lapu-lapu, isinusulong sa Kongreso

4696
Public Domain

Kamakailan, inihain ni Lapu-Lapu District Representative Paz Radaza ang panukalang magbabalik sa orihinal na pangalan ang isdang lapu-lapu upang hindi na ito maging kapangalan ng bayaning si Lapu-Lapu.

Sa ilalim ng House Bill No. 2223, tatawaging “pugapo” ang naturang isda.

Ayon kay Radaza, nararapat lamang na maging eksklusibo sa bayani ang nasabing pangalan dahil sa kagitingan at kabayanihang ipinamalas noon para hindi matuloy ang pananakop ng mga Kastila.

INNITY ADS

“While we value Lapu-lapu’s herios act, it is ironic that his name is also being used to call a fish with scientific name of ‘Plectripomus leopardus.’ It is inappropriate, defilement, and a violation, even if the fish could be the most sought-after, not only in the Philippines but also in Southeast Asia,” pahayag ni Radaza.

Sa kabila nito, walang nakatalang parusa o multa sa sinumang lalabag sa batas.




Batay sa panukala, dapat manguna sa pagpapatupad ang National Historical Commission, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Department of Agriculture (DA) kung sakaling maaprubahan ng Mababang Kapulungan at mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.