Pacquiao at Jack Ma, magdo-donate ng 50,000 testing kits kontra COVID-19

235

Sa patuloy na pakikibaka ng Pilipinas kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19), nagsanib-puwersa sina Senator Manny Pacquiao at Chinese billionaire Jack Ma para mag-donate ng 50,000 testing kits sa bansa.

“We’re excited to announce the Jack Ma Foundation, in partnership with Pacquiao Foundation is pledging 50,000 test kits to combat COVID-19 in the Philippines,” sabi ni Pacquiao sa kaniyang Instagram post.

“With everything that’s happening around the world today, there is no better time to unite and do whatever we can to help each other,” dagdag pa ng tinaguriang “Pambansang Kamao”.

INNITY ADS

Si Jack Ma ay founder ng kompanyang Alibaba, isa sa pinakamalaki at pinakasikat na e-commerce business sa buong mundo.

Kamakailan, inamin ng Department of Health na 2,000 lamang ang reserbang test kit sa Research Institute of Tropical Medicine (RITM) na ginagamit sa mga pasyenteng nakitaan ng sintomas ng COVID-19.




Nitong Lunes, dumating sa Pilipinas ang unang batch ng 2,000 test kits na ipinadala ng embahada ng Tsina at China Mammoth Foundation.

Ang mga test kit na ibinigay ay kayang maglabas ng resulta sa loob lamang ng tatlong oras.

(PHOTO FROM MANNY PACQUIAO’S INSTAGRAM ACCOUNT)