
Sa gitna ng pag-alboroto ng Bulkang Taal, hindi lamang mga tao ang sinasagip ng mga good samaritan, pati na rin ang mga hayop na iniwan sa kalamidad.
Isa-isang iniligtas ng grupong Guardians of the Fur ang mga aso, pusa, at kuneho na umano’y inabandona na kani-kanilang amo matapos silang lumikas sa bayan ng Talisay.
Nanawagan din sila ng donasyon para sa mga alagang hayop na kanilang inaalagaan ngayon.

VIRAL NGAYON: Isang citizen ang binuksan ang kanyang kennel sa Magallanes, Cavite upang gawing temporary shelter para sa mga alagang hayop na apektado ng #TaalEruption2020.
Maaari siyang tawagan sa 09171177717.#GoCavite
Photo by: Edsel Pagcaliwangan Paredes pic.twitter.com/51FbgaL5s8— gocavite (@gocavite) January 14, 2020
Puwedeng magkasya sa pansamantalang evacuation center ang 100 hayop na babantayan at kupkupin hangga’t hindi pa natatapos ang krisis.