NAIA employee, nagbalik ng sobreng may lamang P239k

268

Umani ng papuri ang isang empleyado sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos magsauli ng sobre na may lamang $4,700 o P239,079, Huwebes ng hapon.

Pag-aakala ni Emiline Herrera, food server sa NAIA Terminal 1, basura ang napulot niyang sobre.

Pero nang buksan niya ito, bumungad sa kaniya ang limpak-limpak na dolyar. Kaya naman, agad niyang ibinigay sa kahera ang nakuhang sobre.

INNITY ADS

Ayon sa lost and found section ng paliparan, pagmamay-ari ng isang babaeng pasahero ang naiwang gamit.

Mahigit tatlong taon nang nagtratrabaho si Herrera sa NAIA at kumikita ng P18,000 kada buwan.




Pero kahit mababa ang sahod, hindi sumagi sa isip ng empleyado na angkinin ang nakitang sobre.

Labis ang pasasalamat ni airport general manager Ed Monreal sa katapatang ipinamalas ni Herrera. Sa Lunes, pupunta ang food server sa flag raising ceremony para mabigyan ng pugay.